LGUs inutusang palawakin ang immunization program kontra tigdas
Inatasan ni Health Secretary Francisco Duque III ang mga local government officials sa Metro Manila na paigtingin pa ang bakuna kontra tigdas.
Ito ay sa gitna ng outbreak ng naturang sakit sa rehiyon at sa iba pang bahagi ng bansa.
Sa pulong kasama ang mga local officials kahapon, ipinag-utos ni Duque ang komprehensibo at malawak na pagbabakuna.
Napagkasunduan na kahit weekends ay dapat bukas ang health centers sa mga lungsod ng Metro Manila at handa dapat magbakuna.
Simula ngayong araw, bukas na ang health centers ng Maynila, Quezon City, Parañaque, San Juan at Navotas.
Sa susunod na weekend naman magbubukas ang health centers ng mga lungsod ng Caloocan, Malabon, Mandaluyong, Muntinlupa, Marikina, Pasay, Pateros at Valenzuela.
Kaugnay ng kampanya kontra tigdas ay inilabas na rin ng Health Department ang kanilang public service announcement kontra sa sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.