Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, sa Metro Manila at buong Luzon ay makararanas ng maalinsangang panahon na may posibilidad ng mga pulo-pulong mahihinang pag-ulan.
Sa buong Visayas at Caraga region sa Mindanao, bunsod ng epekto ng Amihan ay makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan.
Sa nalalabing bahagi naman ng Mindanao ay maaliwalas ang panahon na may posibilidad ng mga pulo-pulong mahihinang pag-ulan.
Magandang balita naman para sa mga mangingisda dahil walang gale warning na nakataas saanmang baybaying dagat ng bansa kaya’t ligtas ang paglalayag.
MOST READ
LATEST STORIES