Binay umalma sa listahan ng Comelec ng mga lumabag sa campaign posters

By Rhommel Balasbas February 16, 2019 - 05:50 AM

INQUIRER file photo

Inalmahan ni Senadora Nancy Binay ang listahan ng Commission on Elections (Comelec) ng mga kandidatong may paglabag umano tungkol sa campaign posters.

Kahapon, inilabas ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon ang listahan ng 40 kandidato na may illegal campaign materials kung saan kasama si Binay.

Sa kanyang pahayag, tinawag ng senador na kaduda-duda ang listahan dahil wala naman siyang campaign posters.

Giit pa ng senadora, kung sino pa ang kandidatong nagkalat ang tarpaulis sa buong bansa ay iyon pa ang wala sa listahan.

Hindi naman pinangalanan ni Binay kung sino ang kandidato kanyang tinutukoy.

TAGS: campaign posters, May 2019 midterm elections, Radyo Inquirer, Sen. Nancy Binay, campaign posters, May 2019 midterm elections, Radyo Inquirer, Sen. Nancy Binay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.