Walk for Life 2019 umaarangkada na

By Rhommel Balasbas February 16, 2019 - 05:32 AM

CBCP News

Nagsimula na ang Walk for Life sa Quezon City Memorial Circle.

Ang aktibidad na ito na inorganisa ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ay layong ipinawagan ang pagprotekta at pagsulong sa dignidad at kahalagahan ng buhay.

Ang Walk for Life ay nagsimula alas-4:00 ng madaling araw at tatagal hanggang mamayang alas-8:00 ng umaga.

Pinangungunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang pagtitipon at isang concelebrated mass ang isasagawa.

Ayon kay Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, ang Walk for Life ay isang paraan para maiparating ang hinaing laban sa karahasan at ipakita ang suporta sa pagprotekta sa buhay.

Giit ni David, bawat buhay ng tao ay sagrado at may dignidad.

Libu-libong katao ang dumalo sa aktibidad noong mga nagdaang taon.

Bukod sa Quezon City, mayroon ding Walk of Life sa Tarlac City, Dagupan City, Cebu, Palo, at sa Mindanao.

TAGS: catholic church, dignity of life, Philippine Catholic Church, Sangguniang Laiko ng Pilipinas, Walk for Life 2019, catholic church, dignity of life, Philippine Catholic Church, Sangguniang Laiko ng Pilipinas, Walk for Life 2019

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.