Miss Universe 2018 Catriona Gray, balik-bansa na

By Rhommel Balasbas February 16, 2019 - 12:48 AM

Catriona Gray IG

Nakabalik na sa bansa si Miss Universe 2018 Catriona Gray nang mas maaga sa original na schedule.

Pasado alas-9:00 ng gabi ay lumapag ang eroplano ng Qatar Airways lulan si Gray sa NAIA Terminal 3.

Hindi nagbigay ng panayam ang entourage ni Gray sa media dahil sa mas maaga nitong pagbabalik sa bansa.

Nakatakda sanang bumalik ang beauty queen sa Pilipinas araw pa ng Miyerkules, February 20.

Isang grand parade ang inihanda kay Gray sa Maynila at Makati sa February 21 at 23.

Isang lava-inspired float ang sasakyan ni Gray para sa parade.

Si Gray ang ikaapat na Filipina na kinoronahan bilang Miss Universe.

TAGS: Catriona Gray back in PH, Miss Universe 2018 Catriona Gray, Catriona Gray back in PH, Miss Universe 2018 Catriona Gray

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.