Pamunuan ng PMA umapelang huwag haluan ng pulitika ang idaraos na Alumni Homecoming

Jhoanna Ballaran | INQUIRER.net File Photo

Nakiusap ang isang opisyal ng Philippine Military Academy (PMA) sa mga kandidato sa 2019 midterm elections na huwag pulitikahin ang 2019 PMA Alumni Homecoming.

Ayon kay PMA Information Officer, Lt. Col. Harry Baliaga Jr., hindi nila kontrolado anuman ang pakay ng mga kandidatong dadalo.

Dahil dito, nagpaalala na lang ang opisyal na irespeto ang aktibidad sa PMA campus Fort Del Pilar sa weekend.

Welcome pa rin naman aniya ang mga alumni basta’t masusunod ang mga alituntunin ng PMA Alumni Association Inc.

Tinatayang aabot sa 6,000 na bisita ang inaasahang dadalo sa alumni homecoming.

Read more...