Fil-Australian, grand winner sa X-Factor Australia

By Jay Dones November 25, 2015 - 12:02 AM

 

cyrus villanueva x factor australiaSa ikalawang sunod na taon, isang Australyano na may dugong Pinoy ang nagwagi sa sikat na talent show na X-Factor Australia.

Ang 17 taong gulang na si Cyrus Villanueva ang naging kampeon sa grand finals night na ginanap sa Australia Martes ng gabi.

Naungusan ni Cyrus ang dalawa pang finalist na sina Jess and Matt at Louise Adams upang magkapmpeon sa seventh season ng kilalang talent show.

Una nang pinabilib ni Villanueva ang mga hurado sa kanyang bersyon ng mga kantang “Earned It” at “Stone”

Ito na ang ikalawang sunod na taon na nanalo ang isang contestant na may dugong Pilipino sa naturang singing contest.

Noong nakaraang taon, ang Fil-Aussie na si Marissa Punzalan ang nagwagi bilang champion sa sixth season ng X-Factor Australia.

TAGS: x factor, x factor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.