4 na miyembro ng NPA, 2 sundalo patay sa engkwentro sa Bukidnon

By Angellic Jordan February 15, 2019 - 08:35 PM

Patay ang apat na miyembro ng New People’s Army (NPA) at dalawang sundalo sa engkwentro sa Malaybalay City, Bukidnon.

Ayon sa Philippine Army, nag-aayos ang 11 sundalo ng patrol base sa Sitio Green Valley sa Dalwangan nang biglang atakihin ng 30 rebelde, Huwebes ng gabi.

Matapos ang bakbakan, napaulat na narinig ng ilang sibilyan ang usapan ng mga rebelde sa naiwang commercial radio na apat sa kaniyang grupo ang nasawi.

Nakuha ng militar mula sa mga rebelde ang dalawang M16 rifles, ilang bala at magazine, at dalawang unexploded mines na konektado sa 200 metrong electrical wire.

Sa ngayon, patuloy ang pursuit operation sa lugar.

TAGS: bukidnon, encounter, malaybalay city, NPA, bukidnon, encounter, malaybalay city, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.