Dredging activities sa Manila Bay, uumpisahan na ng DPWH
Sisimulan na ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang dredging activities o paghuhukay sa Manila Bay, matapos na makumpleto ang pagsusuri sa kalidad ng tubig doon.
Ayon kay DPWH Sec. Mark Villar, nagsagawa na ang Bureau of Equipment ng bathymetric o depth measurement survey at ocular inspection sa Manila Bay at Navotas River.
Ang resulta nito ang magiging basehan sa gagawing dredging activities, na inaasahang mag-uumpisa sa mga susunod na linggo.
Ani Villar, ang paghuhukay ang pangunahing paraan upang matanggal ang mga burak sa Manila Bay at ang bathymetric survey naman ay kailangan upang mabatid ang dami ng mga dapat malinis.
Sinabi ni Villar na tatlo ang dredging sites, kabilang na ang Navotas River at Estero de Vitas sa Tondo, Manila at ang paikot ng Manila Bay na tinatayang nasa 1.5 kimometers ang lawak mula sa Manila Yacht Club breakwater hanggang sa U.S. Embassy.
Inatasan naman ng kalihim ang kanilang Bureau of Equipment na ilataf ang deployment plan upang maihanda ang mga gamit sa paghuhukay gaya ng amphibious excavators, dumping scows, dump trucks, debris segregator, street sweepers, at vacuum sewer cleaner.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.