Pinoy na hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf kabilang sa 6 na bandidong nadakip sa Malaysia

By Dona Dominguez-Cargullo February 15, 2019 - 05:59 PM

Kabilang ang isang Pinoy sa anim na kataong inaresto kamakailan sa Malaysia matapos matuklasang plano nilang maglusand ng mga pag-atake.

Ang 21-anyos na Pinoy ay nakakulong na ngayon matapos siyang madakip sa Sabah.

Ayon kay Police Inspector General Fuzi Harun ng Malaysia, pinaniniwalaang may-ugnayan ang Pinoy na suspek kay Abu Sayyaf leader Furuji Indama.

Ang nasabing Pinoy at limang iba pa na pawang mamamayan ng Singapor at Bangladesh ay inaresto sa magkakahiwalay na pagsalakay sa pagitan ng Disyembre 2018 at Enero 2019.

Mataas ang ipinatutupad na alerto sa Malaysia mula nang atakihin ng mga armadong lalaki na may kaugnayan sa Islamic State (IS) ang Jakarta noong January 2016.

Nakasaad sa report ng Malaysian authorities na ang nadakip na 48-anyos na Singaporean ay nagplanong umatake sa isang gusali sa Johor.

Ang 28 naman na isa pang suspek na hindi tinukoy ang nationality ay dinakip sa raid sa Selangor dahil sa pagkakasangkot sa criminal at militant activities.

TAGS: abu sayyaf group, Filipino arrested in Malaysia, Sabah, abu sayyaf group, Filipino arrested in Malaysia, Sabah

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.