Ilang simbahan ipinagbawal na ang pagkakabit ng campaign materials sa kanilang nasasakupang parokya
Mahigpit na ipinagbabawal sa ilang mga simbahan ang pagkakabit o pagpapaskil ng mga campaign poster ng mga kandidatong tumatakbo para sa May 2019 midterm elections.
Kabilang sa mga simbahan ay ang Diocese of Balanga na nagpalabas pa ng direktiba laban sa pagkakaroon ng kahit anong uri ng political materials sa mga property ng simbahan.
Ayon kay Bishop Ruperto Santos ng Balanga, ang mga lay parish officials na nagtatrabaho para sa sinumang kandidato ay kinakailangang lumiban muna sa mga tungkulin nito sa simbahan.
Matatandaang nagpatupad na ng kaparehong pagbabawal si Archbishop Rolando Tria Tirona ng Caceres sa Naga.
Layon nito na maprotektahan ang pagiging non-partisan ng parokya.
Sa ganitong paraan din, mas maisusulong ng simbahan ang malinis at mapayapang eleksyon.
Sa ilalim pa ng direktiba ni Archbishop Tirona, bawal din ang pag-sponsor ng mga pulitiko sa mga mass wedding at binyag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.