Pilipinas hindi kailangang kumuha ng dayuhang skilled workers – DOTr
Inihayag ni Transportation Secretary Arthur Tugade na hindi kailangang kumuha ng skilled workers ng Pilipinas mula sa ibang bansa.
Ito ay matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na kulang sa skilled workers kung kaya’t nagkakaroon ng delay sa implementasyon ng infrastructure projects sa bansa.
Paliwanag ng kalihim, maaaring kumuha ang mga Pilipino ng training program sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Nilinaw ni Tugade na ang nais iparating ng pangulo ay kailangan ng dagdag na skilled workers sa bansa.
Target ng administrasyong Duterte na paunlarin ang imprastraktura sa bansa sa pondong mahigit-kumulang P8.2 trillion.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.