MNLF Founding Chair Nur Misuari hiniling sa Sandiganbayan na payagan siyang makabiyahe sa UAE at Morroco
Humirit si dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) governor at Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari sa Sandiganbayan na payagan siyang makabiyahe sa labas ng bansa.
Sa kaniyang mosyon sa Sandiganbayan 3rd Division hiniling ni Misuari na payagan siya na makadalo sa 46th session of the Organization of Islamic Cooperation (OIC) Council of Foreign Ministers sa United Arab Emirates (UAE) at sa pulong ng Parliamentary Union of the OIC Member States (PUIC) sa Morocco.
Si Misuari ay may kinakaharap na kaso graft at malversation through falsification of public documents sa Sandiganbayan dahil sa maanomalyang pagbili umano ng educational materials noong siya ay ARMM governor pa.
Ayon kay Misuari, sa Feb. 27 ang nakatakdang pag-alis niya patungong Abu Dhabi, UAE at pagkatapos ay lilipad naman siya patungong Rabat, Morocco sa March 11 at babalik sa Pilipinas sa March 20.
Tinutulan naman ng prosekusyon ang hirit na ito ni Misuari dahil inimbitahan lamang naman umano ito sa OIC session bilang isang observer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.