Wilfredo Keng itinangging ginagamit siya ng gobyerno laban kay Maria Ressa
Itinanggi ng kampo ng negosyanteng si Wilfredo Keng na ginagamit siya ng pamahalaan laban kay Rappler CEO Maria Ressa.
Si Keng ang naghain ng kasong cyber libel laban sa beteranong mamamahayag.
Sa inilabas na pahayag, ipinunto ni Keng na walang halong pagpigil sa press freedom o freedom of speech ang kaniyang inihaing reklamo kay Ressa.
Sinabi ni Keng na personal niya itong reklamo laban sa aniya’y “unethical acts of irresponsible few.”
Giit pa nito, layon ng kaniyang reklamo na ilabas ang katotohanan ukol sa 2012 news article ng Rappler.
Matatandaang inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation si Ressa sa Rappler headquarters noong Miyerkules ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.