Listahan ng mga kandidatong may paglabag sa campaign posters

Inilabas ng Commission on Elections (Comelec) ang listahan ng mga kandidatong mayroong illegal campaign posters.

Sa kanyang Twitter account, inanunsyo ni Comelec Commissioner Rowena Gaunzon na aabot sa 40 kandidato ang lumabag sa paglalagay ng kanilang campaign materials.

Ito ay maaring malaki ang size ng mga poster o ‘di kaya ay nakadikit sa mga hindi otorisadong lugar.

Makikita na mahigit 12 senatorial candidates ang kabilang sa listahan.

Nagsimula ang pagbabaklas ng Comelec ng illegal campaign materials ngayong araw.

Read more...