QC LGU pinaalalahanan ang mga magulang na pabakunahan ang mga anak kontra tigdas
Hinikayat ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang mga magulang na pabakunahan ang mga anak kontra tigdas.
Ayon kay Belmonte, ligtas naman ang bakuna at libre.
Kung makikitaan din aniya ang mga anak nila ng anumang sintomas ng tigdas ay dalhin na ang kanilang mga anak sa pinakamalapit na hospital.
Tinitiyak ni Belmonte na matutukan agad at mabibigyan ng agarang tulong sa mga biktima ng tigdas upang maiwasang kumalat ang naturang sakit
Ayon sa QC Health Deaprtment, ang kabuuang bilang na naitala na nagkaroon ng tigdas sa lungsod ay 108 na kaso at mula Jan 1 hanggang 26 ay walo na ang namatay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.