LOOK: Ilang lansangan sasailalim sa repair at reblocking ngayong weekend

Ilang lansangan sa Metro Manila ang isasailalim sa repairs at reblocking projects ngayong weekend.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsasagawa ng reblocking ang Department of Public Works and Highways (DPWH) mula alas 11:00 ng gabi ng Biyernes (Feb. 15) hanggang alas 5:00 ng umaga ng Biyernes, Feb. 18.

Apektado ang sumusunod na mga kalsada:

SOUTHBOUND
– C-5 Road paglagpas ng Lanuza Ave. bago sumapit ng Bagong Ilog flyover
– C-5 Road harap ng SM Aura
– EDSA Lagarian Creek bago mag-Ermin Garcia (2nd innermost lane)

NORTHBOUND
– Fairview Ave. Atherton hanggang Regalado Ave. North (1st lane mula sa center island)
– EDSA kanto ng Congressional Ave. Ext. (2nd lane mula sa sidewalk)
– R. Magsaysay Blvd. (patungong Cubao) R. Magsaysay Bridge – Pureza St.

Samantala, mayroon ding restoration at concreting works ang Maynilad sa Commonwealth Avenue kanto ng Litex sa Quezon City.

Ayon sa Maynilad, matatapos ang kanilang aktibidad at magiging fully passable ang kalsada sa Lunes (Feb. 18) ng umaga.

Read more...