Hindi pag-endorso sa kaniya ni Pangulong Duterte, inirerespeto ni dating Sen. Jinggoy Estrada

By Dona Dominguez-Cargullo February 15, 2019 - 02:20 PM

Tanggap at inirerespeto ni dating Senator Jinggoy Estrada ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang desisyon ng PDP-LABAN kaugnay sa napili nilang iendorso at i-adopt na mga kandidato sa pagka-senador.

Sa pahayag ng dating senador sinabi nitong iendorso man siya o hindi ng pangulo, mananatili siyang kaalyado ng administrasyon.

Hindi aniya mababago at hindi mababawasan ang kaniyang suporta sa administrasyon ni Pangulong Duterte.

Dagdag pa ni Estrada, bagaman malaking tulong sana sa kaniyang kandidatura ang endorsement ng presidente dahil napaka-popular nito.

Gayunman, tiwala aniya siyang muli siyang ihahalal ng taumbayan sa senado dahil sa “magandang track record” niya bilang public servant at mahabang listahan ng kaniyang legislative accomplishments.

TAGS: 2019 elections, campaign, Jinggoy Estrada, Rodrigo Duterte, 2019 elections, campaign, Jinggoy Estrada, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.