Batay sa Manila Police District o MPD, ang biktima ay kinilalang si Corporal Michael Arceo, 26-anyos at taga-Barangay 338, Sta. Cruz, Maynila.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, si Arceo ay nakita ng kanyang live-in partner na si Sushmita Tayo na naglilinis ng kanyang baril sa kanilang kwarto sa ikalawang palapag ng bahay, dakong alas-tres ng madaling araw ng Biyernes (February 15).
Bumaba si Tayo upang tugunan ang ilang customers na nasa kanilang bar pero makalipas ng ilang minuto ay nakarinig siya ng isang putok ng baril.
Nagmadali si Tayo na umakyat sa ikalawang palapag ng kanilang bahay, hanggang sa makita niya ang kanyang partner na si Arceo na nakahandusay sa sahig at duguan.
Naisugod pa sa University of Santo Tomas Hospital si Arceo, ngunit idineklara siyang nasawi dakong 4:17 ng umaga.
Batay sa attending physican na kinilalang si Dr. Paul Vergara, si Arceo ay nagtamo ng “single gunshot” sa kanyang baba, na dahil ng kanyang pagkamatay.