DOH inirekomenda ang pagdedeklara ng dengue outbreak sa 9 na lugar sa Central Visayas

By Dona Dominguez-Cargullo February 15, 2019 - 01:04 PM

Inirekomenda ng Department of Health sa Central Visayas ang deklarasyon ng dengue outbreak sa siyam na bayan at lungsod sa rehiyon.

Ito ay dahil sa patuloy na dumaraming bilang ng mga batang nagkakasakit ng dengue.

Ayon kay Dr. Ronald Jarvik Buscato, dengue program coordinator ng DOH-7, lumagpas na sa epidemic thresholds ang bilang ng mga tinatamaan ng dengue sa mga apektadong lugar.

Dahil dito, ang mga lokal na pamahalaan ay dapat nang magdeklara ng dengue outbreak.

Kabilang sa nakapagtala ng maraming kaso ng dengue ay sa Lapu-Lapu City at bayan ng Sibonga sa Cebu province; Tagbilaran City at mga bayan ng Trinidad, Cortes, Dauis, Clarin, at Loon sa Bohol; at sa bayan ng Lazi sa Siquijor.

Nagpadala na ng notice at letter of recommendation ang DOH-7 sa lokal na pamahalaan ng nabanggit na mga lugar para irekomenda ang deklasyon ng dengue outbreak.

TAGS: Central Visayas, Dengue, doh, outbreak, Central Visayas, Dengue, doh, outbreak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.