Biyahe ng LRT-1 sa Carriedo Station, nagkaaberya; mahigit 200 mga pasahero ang pinababa
Nakaranas ng aberya sa biyahe ang mga pasahero sa LRT 1 matapos na magkaproblema ang isa nitong tren sa bahagi ng Carriedo Station.
Sinabi ni Engr. Rod Bolario, director for operations ng LRT 1, biglang huminto ang isa nilang tren sa southbound ng Carriedo station.
Nagkaroon kasi ng problema ang pintuan ng tren na nagresulta sa pagpapababa sa mga pasahero na tinatayang aabot sa 200.
Naganap ang aberya alas 8:50 ng umaga ng Biyernes, Feb 15..
Dahil sa aberya, naantala ang biyahe dahil kinailangang itabi muna ang nasirang tren.
Saglit lamang naman ang naranasang aberya dahil makalipas ang ilang minuto ay naiayos na ang tren at naibalik sa normal ang biyahe ng LRT-1.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.