6 na active auxiliary ng CAFGU pinalaya ng NPA sa Agusan Del Sur

By Dona Dominguez-Cargullo February 15, 2019 - 11:00 AM

Pinalaya ng ng New People’s Army ang anim na government militiamen na kanilang dinukot kamakailan.

Ayon kay Major General Felimon Santos, commander ng Eastern Mindanao Command (Eastmincom) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kabilang sa mga napalaya ay pawang mga Civil Active Auxiliary 1 ng CAFGU na sina:

Jurian B. Gaviola
Marson C. Iligan
Bienvenido A. Lamion
Eddie J. Tindoy
Sanny G. Malobay
Hermito M. Iligan

Ang anim na CAA ayon kay Santos ay pinalaya sa pamamagitan ng third party facilitator at dinala sa Poblacion sa Sibagat, Agusan del Sur.

Sasailalim sa medical checkup at debriefing ang mga napalayang CAA.

Tiniyak naman ni Santos na patuloy ang military operations ng mga tropa ng pamahalaan para makuha ang nalalabi pang mga pwersa ng gobyerno na hawak ng rebelde at ginagamit nilang human shields.

TAGS: AFP, agusan del sur, CAA, cafgu, Sibagat, AFP, agusan del sur, CAA, cafgu, Sibagat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.