Requirement na Police at NBI clearance sa mga kukuha ng Driver’s license, ipinatigil ng DOTC
Sinuspendi muna ng Department of Transportation and Communications ang panibagong patakaran ng Land Transportation Office na i-require muna ang mga kukuha ng Professional Driver’s License ng Police at NBI clearance.
Sa budget hearing sa Senado, kinuwetyun nina Senate President Franklin Drilon at Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang panibagong patakaran ng LTO.
Hirit ng dalawang senador, kailangan munang rebyuhin ang patakaran kung sino ang hindi dapat na bigyan ng lisensya.
Halimbawa aniya ang isang taong nahaharap sa kasong rape.
Giit ni Drilon, mahirap na hindi ito pagkalooban ng lisensya lalo’t wala pa namang pinal na hatol ang korte.
Sa halip aniya na i-require ng PNP at NBI clearance ang kukuha ng lisensya, dapat na magsumite nalamang ito ng negative list sa LTO para may mapagbasehan.
Humihingi ang DOTC sa Senado ng 42.6 bilyong pisong pondo para sa susunod na taon
Matatandaang umangal ang publiko sa panibagong patakaran ng LTO dahil dagdag gastos na naman ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.