Tubig na 100ml at pababa ang sukat sa MRT-3 lang pwede, bawal pa rin sa LRT 1 at 2 – DOTr
Nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) na sa MRT-3 lamang pinapayagan ang mga liquid item na may ang dami ay 100ml pababa.
Ayon sa pahayag ng DOTr, sa ngayon ipinatutupad pa rin ang pagbabawal sa inuming tubig sa mga tren ng LRT 1 at 2 anuman ang dami nito.
Ayon sa DOTr, bumubuo na ng guidelines ang Office for Transportation Security na ipatutupad sa lahat ng railway systems.
Habang wala pa ang guidelines ay iiral ang indibidwal na polisiya na ipinatutupad sa mga tren.
Una nang sinabi ng Light Rail Manila Corporation na nangangasiwa sa LRT-1 na ipinagbabawal pa rin ang pagpasok ng bottled water at iba pang inumin sa kanilang mga istasyon.
Pinahihintulutan naman ang pagdadala ng breastmilk, feeding bottles, mga gamot, alcohol at pabango na dadaan sa security check.
Sa MRT-3 naman, pinapayagan na ang inuming tubig at iba pang liquid items basta’t hindi lalagpas sa 100ml ang dami.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.