Misis na nagpapaayos sa parlor para sa Valentine’s date nila ng mister, patay sa aksidente

By Dona Dominguez-Cargullo February 15, 2019 - 09:53 AM

Inquirer file photo
Nasawi ang isang misis sa General Santos City matapos salpukin ng isang SUV ang parlor kung saan siya nagpapaayos para sana sa Valentine’s date nila ng kaniyang mister.

Ayon sa Traffic Management Unit ng General Santos City, patay ang 30 anyos na si Fiesta Mae Cedeño matapos araruhin ng SUV ang parlor kung saan siya nagpapaayos.

Minamaneho ng 18 anyos na si Alaica Grajan ang SUV nang mawalan umano ito ng kontrol sa bahagi ng Dacera Avenue.

Nasakop ng SUV ang kabilang lane at saka dumeretso papasok sa parlor at nabangga ang biktima.

Agad isinugod sa ospital ang biktima matapos maalis sa pagkakaipit pero binawian din ito ng buhay.

Nadala din sa ospital ang driver dahil sa trauma na kaniyang inabot.

TAGS: accident, General Santos City, valentine's day, accident, General Santos City, valentine's day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.