MMDA naghahanda na para sa homecoming kay Miss Universe Catriona Gray

Pinaghahandaan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang grand homecoming ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa susunod na linggo.

Inaasahan na kasi na magdudulot ito ng traffic sa ibang bahagi ng Metro Manila.

Ayon kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, ang parade ay gagawin sa Febuary 21 sa iba’t-ibang mga lungsod ng Metro Manila.

Magsisimula ang parada sa Novotel hanggang Sofitel at dadaan sa ruta ng:

• Diokno Boulevard
• Dela Rama
• Vicente Sotto Street
• Roxas boulevard
• T.M. Kalaw
• Taft Avenue
• Buendia
• Ayala Avenue

Si Catriona ay uuwi galing New York para sa simula ng kaniyang official Miss Universe Duties.

Read more...