Patay sa tigdas sa Madagascar umabot sa halos 1,000 sa loob lang ng 4 na buwan

By Dona Dominguez-Cargullo February 15, 2019 - 09:00 AM

Sa Madagascar umabot sa halos 1,000 katao ang nasawi na dahil sa sakit na tigdas.

Ayon sa World Health Organization (WHO) ang nasabing datos ay naitala mula lamang noong buwan ng Oktubre hanggang sa kasalukuyan.

Sinabi ng WHO na sa kabila ito ng pagpapatupad ng emergency vaccination program sa lugar.

Sa ngayon ayon sa WHO, mayroong 66,000 na kaso ng tigdas sa Madagascar.

Ang Madagascar ay kabilang sa mahihirap na bansa sa Africa at noong 2017, 58 percent lang ng populasyon nito ang nabakunahan kontra tigdas.

Sa ngayon, nakapagbakuna na ng 2.2 million na katao sa Madagascar.

Kabilang sa binigyan ng bakuna ang dati nang tumanggap ng isang shot ng anti-measles vaccine.

TAGS: Health, Madagascar, Measles, Radyo Inquirer, Health, Madagascar, Measles, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.