DOH-CALABARZON, magtatayo ng vaccination centers sa malls at fast food chains

By Rhommel Balasbas February 15, 2019 - 06:44 AM

Dahil sa patuloy na pagdami ng bilang ng may kaso ng tigdas, napagpasyahan ng Department of Health-Calabarzon na magtayo ng vaccination centers sa piling fast food chains at malls sa rehiyon.

Ayon kay DOH-Region 4-A Director Eduardo Janairo, ito ay bilang suporta sa massive immunization drive ng pamahalaan.

Plano rin ng DOH na bumuo ng vaccination centers sa labas ng mga simbahan sa CALABARZON.

Ani Janairo, hinimok na nila ang religious leaders na hikayatin sa loob ng mga misa at religious activities ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak kontra tigdas.

Sa pinakahuling tala noong Lunes, umabot na sa 1,434 ang bilang ng tinamaan ng tigdas sa CALABARZON.

TAGS: department of health, Measles, Radyo Inquirer, tigdas, department of health, Measles, Radyo Inquirer, tigdas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.