Eastern Samar at Surigao del Norte niyanig ng lindol
Niyanig ng lindol ang Eastern Samar at Surigao del Norte madaling araw ng Biyernes.
Ayon sa Phivolcs, magnitude 3.7 na lindol ang tumama sa 48 kilometro Hilagang Silangan ng Hernani, Eastern Samar kaninang alas-4:15 ng madaling araw.
May lalim itong limang kilometro.
Naitala ang instrumental intensity I sa Borongan City at Catbalogan City.
Magnitude 3.7 na lindol din ang naitala sa 51 kilometro Timog-Silangan ng General Luna, Surigao del Norte kaninang alas-2:42.
May lalim din itong limang kilometro.
Ayon sa Phivolcs, ang lindol sa Surigao del Norte ay aftershock pa rin ng magnitude 5.9 na lindol noong February 8.
Tectonic ang dahilan ng mga pagyanig at hindi naman inaasahang nagdulot ito ng pinsala sa mga ari-arian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.