PAGASA: Walang sama ng panahon sa susunod na 2-3 araw

By Rhommel Balasbas February 15, 2019 - 04:55 AM

Wala pa ring namamataang sama ng panahon na makakaapekto sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, patuloy ang pag-iral ng Hanging Amihan sa buong bansa kaya’t asahan pa rin ang malamig na panahon mula gabi hanggang madaling araw.

Sa Luzon kabilang na ang Metro Manila, mararanasan ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong mahihinang pag-ulan.

Dahil naman sa direktang epekto ng Amihan, makararanas ng mahihinang pag-ulan ang buong Visayas at Caraga region.

Sa nalalabing bahagi ng Mindanao, mararanasan ang pulo-pulong mahihinang pag-ulan.

Nananatiling ligtas ang paglalayag saanmang baybaying dagat ng bansa.

TAGS: amihan, mahinang pag-ulan, malamig na pahon, Pagasa, sama ng panahon, amihan, mahinang pag-ulan, malamig na pahon, Pagasa, sama ng panahon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.