OFW, pinauwi sa Pilipinas dahil sa death threats ng amo sa Saudi Arabia
Pinauwi sa Pilipinas ang isang overseas Filipina migrant worker dahil patuloy itong nakatatanggap ng banta sa buhay mula sa kanyang amo sa Saudi Arabia.
Ayon kay ACTS-OFW party-list Rep. John Bertiz III, January 23 pa lang ay nasa kustodiya na ng foreign recruitment agency na Al Mashhoury si Reynalyne Constantino para sa processing ng exit clearance nito.
Pero muli anyang kinuha ng kanyang employer si Constantino.
Dahil dito ay kinulit ng kampo ng kongresista ang local agency ng Pinay para makabalik ito sa bansa.
December 2018 nang maging domestic worker sa Jeddah ang 43 anyos na Constantino.
Pero makalipas ang ilang linggo ay nagpatulong ang Pinay dahil binantaan umano ito ng kanyang amo na papatayin matapos siyang akusahan na nagnakaw.
Dagdag ng kongresista, matapos makontak ang local recruitment agency ay napabilis ang repatriation ni Constantino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.