Duterte: Mga obispo holdapin; kapag nanlaban, patayin

By Rhommel Balasbas February 15, 2019 - 03:38 AM

Muli na namang binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lider ng Simbahang Katolika.

Sa kanyang talumpati sa kick-off rally ng senatorial candidates ng PDP-Laban sa San Jose del Monte, Bulacan, kahapon (Feb.14), muling nanghikayat ang presidente na holdapin ang mga obispo dahil marami anyang pera ang mga ito.

Ayon sa presidente, sakaling manlaban kapag hinoldap ay patayin ang mga ito at ilibing.

“Holdapin ninyo ‘yung obispo ninyo, maraming pera ‘yan. Kapag lumaban, patayin mo. Maglibing tayo ng obispo,” giit ng presidente.

Ayon kay Duterte, hindi dapat paniwalaan ang mga obispo dahil mayroong asawa ang mga ito.

“Maniwala ka diyan mga ‘yan, puro may asawa,” dagdag ng presidente.

Muling iginiit ng presidente na ang Simbahang Katolika ang pinaka-ipokritong institusyon sa Pilipinas.

Sa kanyang talumpati muli na namang ikwinento ng presidente ang umano’y ginawang pangmomolestya sa kanya ng isang pari noong siya ay menor de edad pa.

Makailang beses nang binatikos ng Presidente ang Simbahang Katolika at ang ilang mga katuruan nito simula nang mailuklok sa pwesto.

TAGS: holdapin, Obispo, Pangulong Rodrigo Duterte, patayin, PDP Laban, Simbahang Katolika, holdapin, Obispo, Pangulong Rodrigo Duterte, patayin, PDP Laban, Simbahang Katolika

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.