95 lugar sa Manila Bay watershed area lumabag sa environmental laws

By Rhommel Balasbas February 15, 2019 - 03:27 AM

Siyamnapu’t limang local government units (LGUs) sa mga rehiyong nakapaloob sa Manila Bay watershed area ang bigong sumunod sa environmental laws ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sa isang pahayag araw ng Huwebes, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na ang naturang bilang ng mga lungsod at bayan ay 53 percent ng kabuuang 178 LGUs sa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon.

Batay anya sa assessment ng DILG, 16 na bayan at lungsod na may pinakamalalang problema ang prayoridad na tulungan ng DILG para maresolba ang environmental problems.

Hindi pinangalanan ni Año ang 16 na LGUs ngunit inihayag na sa kabuuang 95 na bayan at lungsod, 56 ay mula sa Central Luzon, 37 ay mula sa Calabarzon at dalawa mula sa Metro Manila.

Giit ni Año, hindi na magtuturo pa ang DILG ukol sa problema sa Manila Bay ngunit sisikapin ng kagawaran na ibalik ang dagat sa dati nitong ganda kaya’t kailangan ang tulong ng LGUs.

Gayunman, nagbabala ang kalihim sa mga LGUs na hindi makikipagtulungan sa rehabilitasyon sa Manila Bay na sasampahan ang mga ito ng kaso sa Ombudsman o irerekomenda ang disciplinary action sa pangulo.

TAGS: DILG, DILG Secretary Eduardo Año, environmental laws, LGU, Manila Bay, watershed, DILG, DILG Secretary Eduardo Año, environmental laws, LGU, Manila Bay, watershed

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.