Ito ay dahil sa naturang araw ay permanente nang isasara ang Tandang Sora flyover upang bigyang-daan ang pagtatayo ng MRT-7.
Sa isang press conference, sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na titibagin ang flyover para maitayo ang linya ng tren.
Ang flyover na may apat na lanes ay dinadaanan ng halos 100,000 sasakyan kada araw.
Isasara rin ang intersection ng Tandang Sora at Commonwealth Avenue habang umaarangkada ang konstruksyon ng MRT-7.
Upang mabawasan ang bigat ng daloy ng trapiko ay maglalagay ang MMDA ng U-turn slot sa tapat ng Microtel at ng Home Depot sa Commonwealth Avenue.
Ang konstruksyon ng nasabing U-turn slot ay posibleng tumagal ng dalawang taon.
Dahil dito umapela ang MMDA sa publiko ng pang-unawa dahil ang lanes sa ibaba ng flyover mula Fairview papuntang Quezon Memorial Circle ang mananatiling bukas.