Duterte, nag-sorry sa PDP-Laban sa magulong senatorial lineup

By Chona Yu February 15, 2019 - 02:30 AM

Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa PDP-Laban dahil nagkagulo sa senatorial lineup.

Ayon sa Pangulo, mahirap kasing kontrahin ang kanyang babaeng anak na si Davao City Mayor Sara Duterte.

Hindi umano kayang diktahan ng Pangulo si Mayor Sara dahil kapag kinontra nito ang anak ay away lamang ang resulta.

Magugunitang labing-tatlo ang senatorial lineup ng alkalde para sa kanyang partidong Hugpong ng Pagbabago habang lima lamang ang senatorial line-up ngPDP-Laban.

Ito ay sina Dong Mangudadatu, Koko Pimentel, Bong Go, Bato dela Rosa at Francis Tolentino

Nasa guest candidates naman ng Pangulo sina Pia Cayetano, Imee Marcos, Cynthia Villar, Sonny Angara, JV Ejercito at Freddie Aguilar.

Sa proclamation rally ng PDP-Laban sa Bulacan ay wala sina Jinggoy Estrada, Jiggy Manicad at Bong Revilla na mga kandidato ng Hugpong ng Pagbabago.

TAGS: hugpong ng pagbabago, Mayor Sara Duterte, Pangulong Rodrigo Duterte, PDP Laban, senatorial lineup, hugpong ng pagbabago, Mayor Sara Duterte, Pangulong Rodrigo Duterte, PDP Laban, senatorial lineup

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.