Sundalo patay, 3 sugatan sa bakbakan ng militar at ASG sa Sulu

Patay ang isang sundalo habang sugatan ang tatlong iba pa sa sagupaan ng militar at mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Patikul, Sulu, araw ng Huwebes.

Ayon sa Western Mindanao Command (WestMinCom), ang insidente ay naganap habang nagsasagawa ng ground offensives laban sa ASG ang 6th Special Forces sa Brgy. Igasan.

Matatandaang pinalakas ng gobyerno ang opensiba laban sa ASG na itinuturong nasa likod ng kambal na pagsabog sa Jolo Cathedral noong Enero.

Ayon kay WestMinCom commander Lt. Gen. Arnel de Vega, patuloy na tutugisin ng militar ang ASG hanggang sa humina ang pwersa nito.

Sisiguruhin din anya ng militar na uubusin ang mga grupo na nagpapasiklab ng terorismo sa rehiyon ng Mindanao.

Read more...