14 estudyante na may HIV, pinatalsik sa eskwelahan sa Indonesia

Pinatalsik ang 14 na estudyante mula sa public elementary school sa Indonesia kasunod ng demand sa mga magulang ng ibang estudyante, headmaster ng eskwelahan at local group na tumutulong sa HIV-infected children.

Ayon kay Karwi, headmaster ng Purwotomo Public Elementary School sa Solo, Central Java Province, ang mga estudyante ay hindi na pinayagang pumasok sa eskwelahan simula pa noong nakaraang linggo.

Nag-aalala umano ang mga magulang ng ibang estudyante na baka mahawa ng HIV ang kanilang mga anak.

Hindi nakumbinse ang mga magulang ng paliwanag ng eskwelahan ukol sa transmission o paraan kung paano mahawa ng naturang virus.

Bagkus ay nagbanta ang mga magulang na ililipat sa ibang paaralan ang kanilang mga anak kung hindi i-expel ang mga HIV-infected children.

Read more...