Pinamamadali na ni Senador JV Ejercito sa Philippine National Police ang pagkumpuni sa mga air assets nito.
Sa pagsalang sa plenaryo ng Senado sa pondo ng PNP, iginiit ni Ejercito na mahalaga ito sa gitna na rin ng banta ng terorismo sa buong mundo.
Sa ngayon, wala ng air assets ang PNP matapos pumutok ang kontrobersiya sa maanomalyang chopper deal.
Agad naman na pinaglaanan ng Senado ng dalawampung milyong pisong pondo ang panukala ni Ejercito para ipaayos ang dalawang R-44 chopper.
Samantala, pinapopondohan din nina Senators Tito Sotto at Grace Poe ang PNP hotline na 118 na magagamit kontra krimen.
Agad naman na inaprubahan ng Senado ang hiling ng dalawang senador.
Nabatid na ang hotline number 118 ay hiwalay pa sa hotline ng Department of Interior and Local Government na 117.