WATCH: Transportasyon sa Visayas, prayoridad ng Ako Bisdak partylist

By Angellic Jordan February 14, 2019 - 09:37 PM

Sa kanilang plataporma para sa 2019 midterm elections, inihayag ng Ako Bisdak partylist na nais nilang bigyang-prayoridad ang problema ng Visayas region pagdating sa transportasyon.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Secretary General Retired Rear Admiral Ernesto “Eboy” Enriquez na personal nilang narinig ang mga hinaing ng mga magsasaka at estudyante sa ilang lalawigan sa Visayas.

Aniya, maraming estudyante ang nahihirapang pumasok dahil walang mabilis na access para makapunta sa mga paaralan.

Maging ang mga magsasaka, nahihirapan din pagdating sa pagpapadala ng mga ani sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon naman kay 2nd nominee Rommel Gavieta, batay sa datos ng gobyerno, 10 lamang sa 75 Build Build Build projects ng gobyerno ang isasagawa sa nasabing rehiyon.

Giit ni Enriquez, puro isla ang Visayas kung kaya’t kailangan talaga ng mas maraming tulay para magkaroon ng maayos na ugnayan ang mga lalawigan.

Dagdag pa ni Gavieta, ang pagsisimula ng konstruksyon ng mga tulay ay makapagbibigay ng trabaho sa mga residente.

Magbubukas aniya ito ng mahigit 300,000 na trabaho sa mga residente para maturuan ng skilled work.

Ipinaliwanag ng dalawa ang kahulugan ng Ako Bisdak na ang ibig-sabihin ay “Bisayang Dako.”

Narito ang bahagi ng pahayag ni Enriquez:

TAGS: Ako Bisdak partylist, Ernesto Enriquez, Rommel Gavieta, transportasyon, Visayas, Ako Bisdak partylist, Ernesto Enriquez, Rommel Gavieta, transportasyon, Visayas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.