Babantayan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang mga kawani at opisyal ng pamahalaan para matiyak na hindi makikisawsaw ang mga ito sa pulitika ngayong nagsimula na ang kampanya para sa 2019 midterm elections.
Sinabi ni PACC Chairman Dante Jimenez na walang sasantuhin ang kanilang kampanya na ipatupad ang utos ng pangulo.
Nauna nang sinabi ni Duterte na mananagot ang mga tauhan o opisyal ng pamahalaan na gagamit sa resources ng gobyerno para sa pangangampanya ng ilang mga kandidato.
Katuwang ng PACC ang Civil Service Commission sa nasabing hakbang ayon pa kay Jimenez.
“The constitution bars civil service officers and employees from engaging, “directly or indirectly, in any electioneering or partisan political campaign, pahayag pa ng opisyal.”
Bukod sa parusang suspensyon sa trabaho ay posible ring masibak sa trabaho ang mga lalabag sa kautusan ng pangulo.
Kasama sa kautusan ang mga miyembro ng militar, pulisya at iba pang law enforcement agencies.