Comelec hindi makikialam sa away ng ilang mga kandidato

By Den Macaranas February 14, 2019 - 07:38 PM

Inquirer file photo

Hindi makikisawsaw ang Commission on Elections (Comelec) sa siraan o negative campaigning sa pagitan ng mga kandidato.

Sa kanyang Twitter post, sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na pinapayagan ng poll body ang anumang uri ng campaign propaganda.

Pero nilinaw ni Jimenez na pwedeng magsampa ng kasong libel ang isang partikular na kandidato kung sa tingin niya ay target siya ng isang mali at malisyosong paninira o kampanya.

“Thus, negative campaigning, or campaigning which promotes the defeat of a candidate, is allowed,” ayon sa tweet ni Jimenez.

Binigyang-linaw pa ng opisyal na hindi censor body ang Comelec.

Sa ngayon ay patuloy naman ang Comelec sa pagtanggap ng mga reklamo kaugnay sa ilang campaign violations tulad ng paggamit ng mga maling campaign materials.

Ang campaign period para national candidates ay nagsimula noong February 12 na tatagal hanggang sa  May 11.

Para sa mga lokal na kandidato, ang kampanya ay magsisimula sa Marso 29 hanggang May 11.

TAGS: 2019 elections, campaign, comelec, James Jimenez, Libel, 2019 elections, campaign, comelec, James Jimenez, Libel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.