Kick-off campaign rally ng PDP-Laban, umarangkada sa Bulacan

Photo: Chona Yu

Mahigit sa limampung libong katao ang dumalo sa proclamation and kick-off rally ng senatorial candidates ng PDP-Laban sa Barangay Minuyan, San Jose del Monte, Bulacan, sa Araw ng mga Puso.

Mismong si Pangulong Rodrio Duterte ang nanguna sa pagtitipon.

Dumalo rin si Senador Manny Pacquiao, na siyang national campaign manager ng PDP-Laban.

Kabilang sa mga opisyal na senatorial bets ng PDP-Laban ay ang tinaguriang “MABAGO KO TO” o sina Dong Mangudadatu, Gen. Ronald “Bato” dela Rosa, dating Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, Senador Koko Pimentel at dating MMDA Chairman Francis Tolentino.

Present din ang “guest candidates” ng partido na sina Senators Sonny Angara, Cynthia Villar at JV Ejercito, maging sina Taguig Congresswoman Pia Cayetano at Ilocos Norte Gov. Imee Marcos.

Ang mga nabanggit na personalidad ay mga kandidato sa pagka-senador sa May 13, 2019 midterm elections.

Dumating din at kumanta pa para sa audience ang independent senatorial candidate na si Freddie Aguilar.

Bago ang aktwal na kick-off rally ay ipinakita sa mga tao ang campaign advertisement ng PDP-Laban senatorial bets, kung saan tampok din si Pangulong Duterte.

Habang nagtatalumpati naman si Go, ilang beses siyang nagpasaring kay Senador Antonio Trillanes IV.

Banat ni Go, baka raw kasi masabotahe ni Trillanes ang proclamation at kick-off campaign rally ng PDP-Laban.

Read more...