Patay ang isang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa sumiklab na bakbakan sa Luisiana, Laguna Huwebes ng umaga.
Magtatalaga sana ang tropa ng pamahalaan ng checkpoint sa Luisiana at Lucan, Quezon nang biglang umatake ang rebeldeng grupo bandang alas nuwebe y medya ng umaga.
Naganap ang engkwentro sa Sitio Pinamintian sa bahagi ng Barangay San Buenaventura.
Ayon sa report ng Calabarzon Police Office, isang platoon ng sundalo ang lumaban sa mga rebelde na naging dahilan ng pagkamatay ng isa sa mga ito.
Nakuha ng militar ang tatlong bag ng bomb detonator, mga bala at cellphone.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang pursuit operation ng militar sa posibleng pinagtakasan ng mga rebelde.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.