Comelec nakatanggap na ng mga reklamo kaugnay sa election campaign

By Angellic Jordan February 14, 2019 - 03:51 PM

Nakapagtala ang Commission on Elections (Comelec) ng inisyal na tatlumpu’t apat na kaso ng mga kandidatong lumabag sa election campaign.

Dahil dito, sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa isang panayam na nagpadala ng notice ang Comelec sa mga kandidatong natagpuang mayroong illegal posters.

Binigyan ang mga kandidato ng tatlong araw para baklasin ang mga illegal poster.

Ayon kay Guanzon, namataan ng election officers ang paglabag sa laki nito at paglalag sa mga hindi otorisadong lugar.

Aniya, paulit-ulit nang binalaan ang mga kandidato na tanggalin na ang illegal posters.

Sinabi pa ni Guanzon na hindi maaaring itanggi o igiit ng mga kandidato na lumang larawan na ito.

Noong Martes ay nagsimula na ang kampanya para sa mga kandidato sa pagka-senador at partylist representatives.

TAGS: campaign, comelec, complaint, Guanzon, Senatorial, campaign, comelec, complaint, Guanzon, Senatorial

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.