Gobyerno kinastigo ng CHR sa kaso ni Maria Ressa
Kinondena ng Commission on Human Rights (CHR)ang pag-aresto kay Rappler CEO Maria Ressa sa kasong cyber libel.
Sa inilabas na pahayag, hinikayat ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline de Guia ang gobyerno na pagtibayin ang press freedom.
Dapat aniyang matiyak ng gobyerno ang pag-iral ng due process at pantay na pagtrato sa kaso ni Ressa.
Binalaan din ng human rights group ang lahat ng Pilipino na bantayan kung magkakaroon ng paglabag sa kanilang karapatan.
Inaresto si Ressa ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation makaraang ilabas ang warrant of arrest ng korte, Miyerkules ng hapon.
Nag-ugat ito sa reklamo ng isang nagngangalang Wilfredo Keng kaugnay sa umano’y malisyosong artikulo na naisulat sa Rapper noong 2012 at na-update naman noong 2014.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.