Presidential bid ni Duterte, mas kumplikado kaysa sa DQ cases laban kay Poe

By Isa Avendaño-Umali November 24, 2015 - 04:41 PM

duterte-grace
Inquirer file photo

Mas kumplikado ang suliranin na posibleng kaharapin ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte kumpara sa disqualification cases laban kay Senador Grace Poe.

Ito ang paniniwala ng ilang miyembro ng Liberal Party, kasunod ng deklarasyon ni Duterte na pagsabak sa 2016 Presidential race dahil sa pagkadismaya sa Senate Electoral Tribunal o SET decision sa disqualification case kontra Poe.

Sa Ugnayan sa Batasan, sinabi ni Laguna Rep. Dan Fernandez na isang malaking tanong kung makakatakbo sa pampanguluhang halalan si Duterte, gayung maraming kumplikasyon sa inihaing Certificate of Candidacy o COC ng kaalyado nitong si Martin Diño.

Babala ni Fernandez, magiging “bad precedent” o “bad example” kung papayagan ng Commission on Elections on Comelec na maging substitute Presidential candidate ni Diño si Duterte, na nauna nang naghain ng COC sa pagka-Alkalde sa Davao City.

Posible rin aniyang gawin o gayahin ng iba pa mga kandidato na magkaroon ng substitution sa eleksyon.

Sa panig naman ng Daang Matuwid Coalition Spokesperson at Akbayan PL Rep. Barry Gutierrez, bago muna ipasilip sa Comelec ang validity ng substitution, dapat munang tingnan kung valid ba ang COC ni Diño.

Sinegundahan ito ni Camiguin Rep. XJ Romualdo at sinabing magkaka-isyu talaga sa COC ni Diño dahil ang nakalagay doon ay Mayor ng Pasay City ang kanyang tatakbuhan, gayung gamit niya ay isang Presidential candidate form.

Sa ngayon, wala pang desisyon ang Comelec sa COC na inihain ni Diño, na magbibigay daan sa Presidential bid ni Duterte, habang si Poe ay nahaharap sa hindi bababa sa apat na disqualification cases sa komisyon.

TAGS: 2016 elections, Mayor Duterte, sen grace poe, 2016 elections, Mayor Duterte, sen grace poe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.