Pangulong Duterte, cabinet members manonood ng concert ni Sergio Mendes ngayong Valentine’s Day

Sama-samang magdiriwang ng Valentine’s Day sina Pangulong Rodrigo Duterte at ang mga miyembro ng gabinete.

Ayon sa source sa Malakanyang, kumpirmadong manonood ang pangulo sa concert ng Brazilian singer na si Sergio Mendes sa Solaire Resort and Casino sa Paranaque City mamayang gabi.

Pero ito ay close-in lamang. Ibig sabihn hindi open sa media.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na magkakasama rin ang mga gabinete na manonood sa concert.

Ayon kay Panelo, kasama nila ang kani-kanilang mga asawa.

Manonood din sa concert mamaya sina Executive Secretary Salvador Medialdea at ang kanyang asawang si Atty. Betty, Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar at ang kanyang misis.

Kabilang sa kantang pinasikat ng 77-taong gulang na Brazilian jazz singer ang kantang Never Gonna Let You Go.

Read more...