Alone/Together’ ni Liza Soberano at Enrique Gil, kumita ng P21 milyon sa unang araw nito sa cinema

Matapos ang isang matagumpay na movie noong 2017 na “My Ex and Whys”, naging patok ulit ngayong Valentine’s Day ang movie ng LizQuen na “Alone/Together”.

Ito ang pinakaunang movie ng love team ni Liza Soberano at Enrique Gil ngayong 2019.

Ayon sa Producer na Black Sheep, kumita ng P21,672,901.58 sa opening day ang movie na isinulat at dinirek ni Antionette Jadaone.

Ang pelikula ay isang love story ng dalawang college sweethearts na ginampanan ni Liza bilang si Christine, at si Enrique bilang si Raf.

Ito na ang ikaapat na pinakamalaking proyekto ni Liza at Enrique sa big-screen.

Read more...