Suspensyon sa deployment ng Filipino truck drivers sa Poland muling iginiit ng embahada ng Pilipinas
Muling nanawagan ang Philippine Embassy sa Poland ng suspensyon ng pagpapadala ng Filipino truck drivers sa Europe.
Ito ay kasunod ng mga ulat na nabibiktima ng exploitation ang mga dayuhang manggagawa sa Poland lalo na ang nasa transport sector.
Noong nakaraang taon, nailigtas ng Danish authorities ang 22 Filipino truck drivers na na pawang hindi maayos ang kondisyon at naninirahan sa container vans sa Padborg, Denmark.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) 40 iba pang mga dayuhang truck drivers sa Germany at Poland ang natuklasang naninirahan sa hindi maayos na lodgings.
“In view of the issues concerning the working conditions of Filipinos who worked as trailer truck drivers in Europe, the embassy is maintaining its recommendation for the suspension of deployment of Filipinos for work in the road transport sector,” ayon sa abiso ng DFA.
Pinayuhan din ng DFA ang mga naghahanap ng trabaho na makipag-ugnayan lang sa recruitment agencies na sumusunod sa ethical recruitment at tinitiyak ang kapakanan ng mga OFW.
Para naman sa mga patungong Poland sinabi ng DFA na dapat siguraduhing sa mga lisensyadong recruitment agencies at may aprubadong job orders sila makikipag-ugnayan.
Ginawa ng DFA paalala matapos iulat ng Philippine Association of Service Exporters, Inc. na may libu-libong trabaho sa Poland na bukas para sa mga Filipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.