Dating pulis patay sa buy-bust sa Bulacan

By Dona Dominguez-Cargullo February 14, 2019 - 10:41 AM

Inquirer file photo

Patay ang isang dating pulis sa ikinasang buy-bust operation sa Pulilan, Bulacan.

Ang suspek ay kinilalang si Rowell Reynon na residente ng Guiguinto, at miyembro umano ng ‘Alabang Boys’.

Ayon kay Senior Superintendent Chito Bersaluna, Bulacan Police Provincial Office director, si Reynon ay dating pulis na may ranggong PO3 at nasibak noong 2010.

Nasa drug watchlist ng Pulilan Police si Reynon.

Ang ‘Alabang Boys’ ay grupong sangkot sa kalakaran ng ilegal na droga sa Ayala Alabang.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis laban sa suspek pero nakatunog umano itong pulis ang kaniyang katransaksyon kaya nagpaputok ito ng baril.

Nakuha sa kaniya ang isang kalibre 38 na baril.

TAGS: Bulacan, buy bust operation, pulilan, War on drugs, Bulacan, buy bust operation, pulilan, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.